Part III – ‘Pako’ (English: Nail; not another MMK episode)

Photo: http://www.sonomachristianhome.com
Try to imagine me running like this in a concrete jungle called MOA Parking Lot.

Naka-dress pa naman ako pero kailangan ko tumakbo.  Hays, hassle!  No choice, hindi ko sya matawagan sa mobile number nya ‘cannot be reached’ sabi sa line…Kaya hinawakan ko sa magkabilang gilid ang dress ko para hindi ito tumaas habang tumatakbo.

“Kaya ko ‘to. Runner ako.” Ito na lang ang sinabi ko sa sarili ko na para bang mahirap ang 100-to-300meter-dash compared sa 42.195km marathon distance.

Buti na lang may tsinelas sa kotse, at least ‘barefoot’ feel ang pagtakbo ko…

Target:  kailangan ko mahabol si BFD!

“Daves! Daves!”, sumisigaw na ko baka sakaling marinig nya ko…bakit kasi ang bilis nya maglakad?  O sadya syang tumakbo palayo sa ‘kin?

Takbo ulit ako…kailangan ko tumawid, at biglang huminto ang dalawang sasakyan sa harap ko sabay senyas ng mga driver na tumawid na ako.  Pinagbigyan nila ako makatawid, naawa siguro sa ‘kin.  Sumenyas naman ako na katumbas ng ‘Thank you!”…ang aking mala-alamat na ‘politician’s wave’.

Malapit na ko sa MOA IMAX.  Mahirap din pala tumakbo ng halos barefoot pag hindi sanay, kaya sumigaw na ko ng todo…

“Daaaavvvveeeesss!!!”, siguro naman nararamdaman nyo ang pagsigaw ko nyan, ang haba ng spelling ng ‘Daves’ ha.  =)

At parang isang eksena lamang sa MMK, nakatayo na lang ako sa kabilang kalsada ng parking lot, medyo (feeling) pagod sa paghabol…ako na ang damsel in distress!!!  Isang role na hindi ko kailanman na na-imagine gagampanan ko sa tunay na buhay…sa aking tunay na buhay, mind you!

Ang long-hair na si BFD ay huminto sa paglalakad, at dahan-danang lumingon sa aking direksyon.  Sa sandaling iyon ay bakas sa kanyang mga mukha ang pagkagulat…marahil ay dahil sa isang katulad ko na literally humahabol sa isang katulad nya (Queue El DeBarge music, circa 1986:  “Someone just like me / Running into someone just like you / An accidental touch / Turned into a gentle kiss of two…”).  Mas masaya pag cheesy!  =)

“Daves! FLAT TIRE!!!  Flat ang gulong ng kotse ko!  May malaking pako!”, yan lamang ang aking nasabi at lumapit na sya sa akin.  Takot ako na hindi makauwi agad nang dahil sa flat tire.  Gabi na rin kasi yon.

Naglakad kami pabalik ng parking para palitan ni BFD ang flat na gulong ng aking kotseng si Migs.  Halos humiga na si BFD sa parking lot, kahit madumihan ang damit nya basta maayos nya lang mailapat ang jack at maiangat ang gulong na papalitan. Hindi sya vain…at sa isang dako, parang mabubuhay kaming dalawa kahit ma-trap kami sa isang island (saglit lang yan pumasok sa isip ko…ayokong lagyan ng malisya).

Sample photo: Ilovecostco.com
Walang sinabi ang Potenza GIII ni Migs sa walang awang pako.

Sa mga sandaling yon ay ‘My Hero’ ang dating ni BFD sa akin, pero natuwa lang ako.  At least, makakauwi na ko, okay na ang gulong ni Migs.  Nagpasalamat ako kay BFD, at nag-offer pa ako na i-treat sya sa Starbucks pero tumanggi sya at hindi naman ako nagpumilit.  Madali ako kausap. Ayaw mo, huwag mo.  =)

Meron akong realization:  Okay naman pala friend si BFD.  Hindi ko naman kasi alam kung ano ang purpose nya, at ayoko itong pangunahan.  Kung friendly lang talaga sya at naghahanap ng kausap, well, hindi naman masama maging friends kami.  Natuwa na ako na may bago akong kaibigan.

Ni-report ako ni BFD sa mga kaibigan ko:  Muli naungkat ang kwento ng ‘flat tire’ nang ipinakilala ko na si BFD kila Kris, Jenny-Vi, at Atty. Cashmer.

Ito ang kanyang report –> Hinatid nya ako sa parking lot.  Magkahiwalay kasi kami ng parking area.  Pagdating sa kotse, hindi ko pa man nabubuksan ang pinto, ay ‘pinalayas’ ko na (daw) sya sa pagsasabi ng “Sige, uwi ka na!”  Napaka-inggrata ko daw, hindi man lang ako nagpasalamat sa kahit ano…basta pinaalis ko na lang sya…kaya malungkot syang umalis sa parking area…hindi nakapag-moment man lang kagaya ng kanyang original plan…At matapos nyang palitan ang gulong, hindi daw ako nag-insist man lang sa Starbucks…gusto pala nya, pinilit ko sya…oh, well…may ganon???  =)  Isa lang ang sabi ni Kris kay BFD nang ito ay magreklamo, “It’s so Ann!”.

Ang ‘wicked’ version nila Kris and Jenny-Vi, at ni Atty. Cashmer:  Pag-alis ni BFD sa parking, tinawag ko (daw) ang Guard, sabay sabi ng mala-kontrabidang instructions, “Eto ang pako, tatakbo ako papunta don sa lalaking andito kanina.  Siguraduhin mo lang na pagbalik ko ay flat na ang gulong ha…siguraduhin mo ha…sige, simulan mo na, tatakbo na ko…”

Photo: Wikipedia.org
Parang kasing wicked ko ata si Cruella sa flat tire version nila Jenny-Vi?

Nanghinayang kami ni BFD ngayon sa ‘pako’.  Dapat pala pinakuha ko sa vulcanizing shop…nang dahil sa pakong iyon, a few days after the ‘flat tire’ episode, may natanggap akong message kay BFD…

“Sagot ko na yung movie tickets sa Friday, wag mo lang ulit ako pahihigain sa parking lot (para magpalit ng flat tire).”

Pwede… 

Advertisements

Part II – Si BFD. Walang Malisya. (not another Derek Ramsey movie)

Paunawa

Kailangan mailathala ang Part II upang mabisa nating maitawid ang kwento sa Part III.  Paunawa sa mga babasa, napaka-wholesome po ito na kwento, walang bahid dungis o pagkahumaling (whew!), kaya isantabi nyo po muna ang alam nyo na (wag madumi isip)  Je je je   =)

Part II – Si BFD.  Walang Malisya.  (not another Derek Ramsey movie)

…nakilala ko ang isang runner / blogger na may initial na BFD (parang blind item lang dapat sa una)…at parang wala lang syempre noon.  Chill.  Deadma.  Ni hindi man lang pumasok sa isip ko na palitan ang aking major crush na si…Derek Ramsey!!!

Actor Derek Ramsey – sya na!!!
Photo credit: No Other Woman – Star Cinema

Dumating ang pagkakataon na naghanap ako ng ibang sports maliban sa badminton…napunta ako sa running. Nagsimula ako sa 5KM hanggang sa umakyat ng 21KM…at hindi ko din akalain kakayanin kong tapusin ang 42.195KM last year.  Naging sobrang addict ako sa life.  Sa level ng energy na meron ako, parang wala ng bukas.  Badminton 2x a week, running 3x a week…at syempre andyan ang aking trabaho na kailangan din seryosohin dahil mahirap kumita ng pera; lalo na isip ang puhunan ko sa trabaho, hindi katawan (kung pwede lang sultry actress ala-Anne Curtis).

February 2011 – Naghahanap ako ng resources noon sa internet tungkol sa running hanggang sa mapadpad ako sa isang website – http://www.barefootdaves.com  Ang website na ito ay aking sinundan (‘follow’ ang term dito sa web, hindi po ako stalker) para updated din naman ako sa running.  Madali makilala ang owner ng website na ito sa mga road race ‘pag Sunday.  Ang haba kasi ng hair ni Barefootdaves (BFD)…lalaki sya, okay!  =)

Minsan na ako nagtanong kay BFD sa website nya.  Hindi naman sya suplado, pati sa Facebook friendly naman .  Ilang buwan ko sya naka-chat pero bihirang-bihirang-bihira at tungkol lang lahat sa running….SOBRANG WALA LANG.  WALANG MALISYA!  Hindi ako defensive…pero kay BFD ata baka may malisya.  Tanungin nyo na lang sya.

Sa RU3, November 2011, 32km category – mula Buendia palabas ng Roxas Blvd may maingay na nag-uusap sa tabi ko…medyo annoying nga eh.  So tumingin ako sa left, pati na rin sa right, at nakita ko si ‘long-hair’, este BFD na naka Team Alpha 1 singlet!  Aaminin ko sa world wide web sa pagkakataon na ito na somehow, ‘starstruck’ ako sa presence ni BFD (slight lang ha)…pero walang malisya, isa nga kasi ako follower ng kanyang blog (pwede mag-explain).  Sa ilang pagkakataon na magkatabi kami sa kalsada, naisipan ko mag ‘hi’ or ‘hello’ pero hindi nya ko napapansin, ni hindi man lang sya tumingin sa ‘kin…kaya nasabi ko na lang kay Jay (SM Runners) – “kasabay pala natin si Barefootdaves.”

Tumingin ako sa left, pati na rin sa right…si BFD!
PEG: Nakita ko lang. Hindi ko crush. Walang malisya.

Nagsimula din ako mag-blog last year para magkaron ng online backup ng ilang mga alaala, resilient na ang web compared sa Alzheimer’s kaya mabuti na din na may online backup.  At sa isang post ko noon November 2011, nagulat na lang ako nang may magpost ng comment …walang iba kundi si…hindi si Derek (ayyyyy)…kundi si BFD!!!  Wala pa itong malisya.  As in, chill lang kami pareho.  Flattered lang ako sa idea na isang kilalang runner-blogger si BFD, na para bang ang trivial ng blog ko sa runner na katulad nya pero heto sya at nag comment pa!

At dahil sa mga pag-comment na yan sa blog, naniniwala na ako ngayon sa sinabi ni ADD ng SM Runners…”para-paraan lang yan!”  Wink, wink….

At kung sa paanong paraan, itutuloy natin mula sa Mundo ng Running patungo sa mga Keso sa Part III….  =)