Part I – Single, Happy, Sexy and I Know It (not another John Lloyd movie)

Paunawa

Ang akdang ito ay nakalimbag sa wikang Tagalog.  Sa mga hindi sanay, ang matagalan pagbabasa ng mga ganitong akda ay maaring magdulot ng pagdurugo ng ilong (nose bleed).  Basahin lamang kung iyong kakayanin.

Sa mga taong tumatangkilik ng mga pelikula ni John Lloyd sa Star Cinema, akin lamang pinapakiusap na huwag ihalintulad ang post na ito sa kanyang mga pelikula.  Moment ko ‘to!  So please sit back and relax!

Halimbawa lang ng isang John Lloyd Movie (Star Cinema and Viva Films)
Year 2009

Part I – Single, Happy, Sexy and I Know It

Sa pagkakilala ng mga taong naka-trabaho ko na, ako ay may kakayahang magpalit ng anyo – from tweetums to dragon lady sa ilang segundo lamang.  Pinangingilagan ako ng mga taong hindi alam ang ginagawa nila dahil sinasabi ko ang mga bagay na kailangan kahit ayaw nila marinig…in my most kontrabida tone, “Because I can. (eyes roll)”.  Hindi naman ako lumalabag sa karapatang pantao, ngunit ganun pa man, ‘intimidating’ pa din ang aura ko…kaya siguro hanggang ‘dating’ lang ako dati, hindi umaabot sa ‘in a relationship.”  (Yun oh!)

AVP = Assigned to Various Positions, Assigned to Various Projects
PEG : BUSY AKO!!!

May ilang eksena din naman na sinasabi ng ilan na nasa akin na siguro lahat maliban sa true love (well, ako na!!!)…hindi ko ito tiningnan na kakulangan…ang katwiran ko kaya nga may bokasyon na ‘single blessedness’ para sa mga taong katulad ko na may bracket na papasukan – kung may aliping namamahay at aliping sagigilid nga, di ba???  Think, Araling Panlipunan 101.

Hindi naman siguro ako si Bitter Ocampo para sabihin na hindi din lahat ng ‘in a relationship / in an open relationship / engaged / married’ ay totoong masaya…eh di sana, totoo ang mga katagang ‘…and they live happily ever after…”

Hindi din naman po ako ang proverbial Iron Lady.  Si Madam Margaret Thatcher yon, hindi si Meowth (ehem, ehem).  Meron din ako mga eksena na masaya sa una, pero bad break up sa bandang huli (mga tipo ng it’s-not-you-it’s-me). Yun ang mga panahong nilunod ko din ang sarili ko sa alak at pagnagmamaneho ako pauwi ay para bang All By Myself ni Celine Dion at Alone ng Heart ang mga awitin ng aking buhay. Sob-fest!  Ang mga bagay naman na ito ay nabanggit lang ngayon, at ganap ko na nalampasan ng bonggang-bongga!

Madami pang masayang mga bagay na pwedeng gawin sa buhay.  I did just that.  Nagpakasaya ako sa buhay, pati pag reach out sa mga anik-anik na bagay, ginawa ko din at nag-uumapaw naman ang puso ko sa saya.  Ilang beses ko din nasabi sa sarili ko na kaya pala ‘single blessedness’ ang tawag dito, with matching smile in my heart ito.

PEG: I work hard. I play harder.

Single, happy, (at blog ko ‘to) sexy and I know it.  San ka pa?

Habang nadadagdagan ang aking edad, nababawasan din ang investment ko sa dating/getting-to-know yada, yada/potential relationship.  Mas gusto ko pa mag-invest at mag-ipon para sa retirement ko para naman may pambayad ako sa nurse na mag-aalaga sa akin…realistic lang naman ako.  As if wala na ata talagang true love sa panahon na ito; peaceful co-existence, pwede pa.  Yan na halos ang dumikit sa utak ko na parang sticky note hanggang sa…  =)

Advertisements